Chapter 8
Chapter 8
“I’M SORRY. It was my fault.” Puno ng pagsisising wika ni Hailey habang pinagmamasdan ang pag-
eempake ni Cedrick pabalik sa Pilipinas. Kahit na wala itong sinasabi sa kanya ay alam niyang
nasasaktan ito dahil bakas iyon sa mga mata nito.
Tinawagan ng kanyang mga magulang ilang gabi na ang nakararaan si Cedrick at ipinaalam na
ikakasal na ang kakambal niya. Gusto ng mga itong imbitahin ang binata. Hindi alam ni Hailey ang
bagay na iyon dahil iniwasan niyang makibalita sa mga nangyayari sa Pilipinas. Pinalitan niya ang
numero niya para hindi siya ma-contact ng kanyang pamilya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay
ayaw niya nang maging pasakit pa sa mga ito. But in the process, she became Cedrick’s burden.
“Pero ikakasal pa lang naman siya. May pag-asa ka pa.”
“Ang pag-asang makita siya bago siya ikasal ang siyang meron na lang ako ngayon, Hailey.”
Mariing nakagat ni Hailey ang ibabang labi. Mula noon hanggang ngayon ay kontrabida talaga siya sa
buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya. Iyon siguro ang dahilan kaya pinarurusahan na siya ng
tadhana. “Baka magbago pa ang isip niya kapag inamin mo ang nararamdaman mo para sa kanya.”
“What for?”
“Holly loved you first, Rick.”
Natigilan ang binata. Mga bata pa lang sila ay mahal na ni Cedrick si Holly at alam niyang ganoon rin si
Holly. Ang dalawa ang orihinal na malapit sa isa’t isa. Parating magkasama ang mga ito noon.
Napansin iyon ng mga magulang niya at nag-alala. Palihim na kinausap ng mga ito si Cedrick sa library
ng kanilang mansyon noon. Alam ni Hailey ang lahat ng iyon dahil palihim na sumunod siya sa mga ito
noon at nakinig sa usapan ng mga ito.
Tinanong ng mga magulang kung ano ang nararamdaman ni Cedrick para kay Holly. Dinig na dinig
niya ang ginawang pagtatapat ng binata. Pero masyado pa raw bata ang mga ito lalo na si Holly.
Nangamba ang mga magulang niya na baka maging mapusok ang dalawa lalo na at parating
magkasama. Kaya ang mga magulang niya ang kumumbinse kay Cedrick na sundin ang suhestiyon ng
ama nito na sa ibang bansa na magpatuloy ng pag-aaral. Kung sa pagbabalik daw ng binata sa bansa
at pareho pa rin ang nararamdaman nito at ni Holly para sa isa’t isa ay hindi na daw pipigilan ang mga
ito ng mga magulang niya.
Tumupad si Cedrick sa usapan at bumalik sa Pilipinas may dalawang taon na ang nakararaan. Pero
nakialam si Hailey. Nang malaman niyang bumalik na sa sariling bansa si Cedrick ay sumunod na rin
siya roon mula New York. Dahil mahal niya rin ang binata. Ilang ulit niya itong binisita noong nag-aaral
pa ito pero iba ang parating hinahanap nito. Nagrebelde siya lalo na at noong bumalik na ang binata sa
Pilipinas ay malaya na nitong nakakasama si Holly.
Isang araw ay nagpanggap si Hailey bilang Holly. Isinuot niya ang mga damit ng kakambal at ginaya
ang mga kilos nito. Noong panahong iyon ay alam niyang parating rin si Holly sa mansyon nina Cedrick
dahil may usapan na magkikita ang mga ito. Naghanda si Cedrick at ipinaayos ang buong hardin roon
dahil alam niyang plano na nitong magtapat sa kakambal niya. Hinalikan niya ito at dahil ang akala nito
ay siya si Holly ay agad itong gumanti ng halik, isang tagpo na siyang naabutan ng kakambal niya.
Nang oras din na iyon ay idineklara niyang may relasyon na sila ni Cedrick sa pagkabigla ng dalawa.
Holly immediately walked out. Mukhang hindi na nito napuna ang bihis niya dahil pinangunahan na ito
ng emosyon nito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Hailey na nagalit ng husto si
Cedrick.
“You’re Hailey all these time?” Naalala niyang hindi makapaniwalang bulalas pa ng binata matapos
magtatakbo ni Holly palayo.
“How could you!” Sunod-sunod na mararahas na hininga ang pinakawalan ng binata. Alam ni Hailey na
natutukso na itong saktan siya pero hindi nito ginawa. Mayamaya ay hinawakan siya nito sa braso at
hinila palabas. “Samahan mo ako, utang na loob. Tulungan mo akong ipaliwanag kay Holly ang lahat.
Maaayos pa namin ‘to-“
“Hindi na.” Bumitaw si Hailey mula sa pagkakahawak ni Cedrick.
“Hailey, what in the world are you doing-“
“Be mine, Rick.” Sa halip ay nakikiusap na wika ni Hailey. “Akin ka na lang. Mahal kita. Noon pa.
Bigyan mo ako ng chance at ipinapangako ko na-“
“Hailey,” Napahawak si Cedrick sa noo nito. “I’m flattered, believe me. But it had always been Holly for
me. Wala ng iba. Siya lang. Kaya kung totoong mahal mo ako, tutulungan mo akong maging masaya.
Tutulungan mo akong magpaliwanag sa kakambal mo-“
“Hindi!” Mariing sagot ni Hailey dala ng pinaghalong sakit at pagkabigo. “Kung hindi ka papayag na
makipagrelasyon sa akin, sasabihin ko kina mommy at daddy na paulit-ulit na may nangyari sa atin sa
Amerika pero ayaw mo akong panagutan.”
Malakas ang loob niyang sabihin iyon dahil alam ng mga magulang niya na madalas sila kung magkita
noon ni Cedrick sa Amerika, noon pang kaibigan ang turing nito sa kanya kaya pinakikiharapan siya
nito. Hindi nagawang makabisita noon ni Holly kay Cedrick dahil pinipigilan ng mga magulang. At
masunurin ito, marunong maghintay sa pinaniniwalaan nitong ‘tamang panahon’ hindi gaya niya.
Noong nasa New York siya ay madalas niyang puntahan si Cedrick. Ilang beses siyang nagpadala ng
larawan sa pamilya niya sa Pilipinas para inggitin si Holly. Hailey was that selfish. Ilang ulit rin siyang
naabutan sa condo ng binata ng mga magulang ni Cedrick. Ang akala pa nga ng mga ito noon ay sila
ng anak nito ang magkarelasyon.
“They won’t believe you.” Ani Cedrick mayamaya.
Tumaas ang isang kilay ni Hailey. “Really? At sinong mas paniniwalaan nila? Ikaw na hindi nila
kadugo? Na hindi nila nakasama ng ilang taon? I’m a Lejarde, Cedrick. They will believe me no matter
what. I have ways to make them do so.”
Dahil sa naging pamba-blackmail niya ay naging sila ni Cedrick pero sa mga mata lang ng ibang tao.
Alam niyang natatakot rin itong masira ang reputasyon nito sa pamilya niya pati na ang relasyon ng
ama nito sa kanyang pamilya lalo na at vice-president ng kompanya nila ang ama nito. Nabigla man
ang mga magulang ni Hailey ay tinanggap pa rin ng mga ito si Cedrick habang umiwas naman sa
kanila si Holly. Ilang bwan lang ang itinagal ng relasyon nila, kung relasyon nga ba iyong matatawag.
Sa huli ay hindi niya rin kinaya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.
Bago si Cedrick ay marami na rin naging boyfriend si Hailey sa pag-aakalang malilipat sa mga iyon ang
nararamdaman niya para sa binata pero nagkamali siya. Iyon ang dahilan kaya hindi tumagal ang mga
naging relasyon niya sa iba. Matapos nilang opisyal na maghiwalay sa mga mata ng lahat ay naging
abala si Cedrick sa trabaho dahil tuluyan ng ipinamana ng tiyuhin nito ang pag-aari nitong ospital sa
binata. Naging director si Cedrick roon. Ang alam ni Hailey ay nagkasunod-sunod ang mga
problemang kinaharap noon ng ospital.
Ilang bwan ang lumipas bago nagawang puntahan muli ni Cedrick si Holly pero naging mailap na rito
ang kanyang kakambal. Iyon na ang huling balita niya dahil kung ano-ano nang komplikasyon ang
pinasok niya matapos ang relasyon nila ni Cedrick. Hanggang isang araw ay nakilala niya si Athan
Williams. More crazy and unexpected things happened that drew her and Cedrick together in the
States. Sinamahan siya ng binata sa Amerika.
Dahil sa kanya ay lalong naudlot ang dapat ay panunuyo muli ni Cedrick kay Holly. At ngayon ay
ikakasal na ang kakambal sa isang lalaking nagngangalang Aleron Silva. Napailing si Hailey. Katulad
pa iyon ng pangalan ng kapatid ni Athan.
“Sana nga ay pwede kong panghawakan ang sinabi mong ‘yan, Hailey. Pero pareho nating alam na
hindi lahat ng unang minamahal, nagtatagal. Not because I was lucky to be the first man she fell in love
with would mean I would also be the last.”
Nahinto sa pag-iisip si Hailey nang marinig ang mga sinabing iyon ni Cedrick. Muling bumalik ang
atensyon niya sa binata. Tapos na ito sa pag-eempake. “Bakit ikaw, hanggang ngayon ay mahal mo pa
rin si Holly?” Hindi na sumagot ang binata. Lalong bumigat ang nararamdaman niya. “Sana kahit
minsan, sumbatan mo man lang ako, Cedrick. Sana sisihin mo naman ako sa mga nagawa kong
pagkakamali sa ’yo para gumaan naman ang loob ko.”
Tumayo si Cedrick mula sa kama at hinila ang maleta nito. Lumapit ito sa kinauupuan niyang couch.
Handang-handa na ito sa pag-alis.
“Many times, I must admit, I wanted to blame you, Hailey. Ginusto kong magalit sa ’yo pero hindi ko
magawa. Maybe because at the end of the day, pareho lang tayong tanga.” Nagkibit-balikat si Cedrick.
“Mga tangang naipit sa isang sitwasyon.” Marahang hinagkan nito sa noo si Hailey. “I hate to leave
you.” Puno ng pag-aalalang wika nito.
“I know.” Bahagyang napangiti si Hailey. “Because you are one heck of a good man. Pero tama na,
Rick. Wala ka namang obligasyon sa akin. Tapusin mo na ang mga paghihirap mo sa akin. Leave. I
can take it from here.” Ilang sandaling pinakatitigan siya ng binata bago siya nito mahigpit na niyakap.
Mayamaya ay naglakad na ito palayo.
Mariing naipikit ni Hailey ang mga mata kasabay ng tahimik niyang pagluha. Diyos ko po, pahingi
naman ng kaunting lakas.
GUMUHIT ang masayang ngiti sa mga labi ni Holly habang pinagmamasdan si Cedrick na nakaupo sa
stool sa tabi niya sa maliit na hardin ng bahay niya. Ikinabigla niya ang pagdating nito nang gabing iyon
lalo na at wala itong pasabi. Ganoon pa man ay masaya siyang makita itong muli.
Bago si Jazeel ay si Cedrick ang orihinal na matalik na kaibigan ni Holly. Naging malapit lang sila ni
Jazeel sa isa’t isa nang umalis na si Cedrick patungong Amerika para doon ipagpatuloy ang pag-aaral
nito. Bago dumating si Aleron ay si Cedrick rin ang orihinal na sandigan niya, ang kauna-unahang
lalaking kinilala ng puso niya. Matagal-tagal na rin silang walang komunikasyon nito simula nang
iwasan niya ito. But seeing him that night made her realized just how much she had missed him.
Ngayong nagagawa na ni Holly na makaharap si Cedrick ng walang sakit na nararamdaman ay doon
niya lang nasimulang punahin ang pangungulila niya rito hindi na sa mas mataas na lebel kundi bilang
kaibigan.
“Ceddie?” Mahinang tawag niya rito sa nakasanayan niyang palayaw nito nang mapansing para bang
nahulog ang binata sa malalim na pag-iisip habang patuloy na nakatitig sa kanya. Nasorpresa siya
nang makita ang pagrehistro ng matinding sakit sa anyo nito. Kasabay niyon ay bahagyang natensyon
si Holly.
Ganoong-ganoon siya kung tingnan noon ni Cedrick noong bago ito umalis ng Pilipinas at noong
magbalik ito. He was looking at her with those eyes, eyes that once upon a time, made her believe that
Cedrick had feelings for her. Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. Ano ba itong mga pinag-iisip niya?
“What’s the matter?”
“Your father called me less than two weeks ago. Inimbitahan niya ako sa kasal mo. I came back to
Manila rushing after I heard the news.”
“I tried to call you. Pero hindi kita ma-contact.” Ilang ulit sinubukan ni Holly na tawagan ang binata sa
numero nito habang inaasikaso nila ni Aleron ang tungkol sa kasal pero parating unattended ang cell
phone nito.
“Yeah.” Tumango-tango si Cedrick. “Na-snatch ang phone ko. Kailan lang ako nakabili ng bago dahil
marami-rami akong inasikaso. Si uncle pa lang ang nagawa kong tawagan dahil siya lang ang may
numero doon sa ospital na pinanggalingan ko sa Amerika na konektado sa kanya. Sa kanya ko kinuha
ang numero ni daddy. Hindi na mahirap isiping kay daddy nakuha ni tito Alfar ang bagong number ko.
I wanted to call you every single day. But there are things I had to do first before I can do that, before I
can face you because those things in some way, are connected to us. Pero ganito ang nangyari.”
Bumuntong-hininga si Cedrick. “May isang linggo na rin simula nang makabalik ako rito sa bansa.
Paulit-ulit kong inisip kung ano ba dapat ang gawin ko. Binalikan ko ang lahat ng mga lugar na
madalas nating puntahan noon.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Holly. “Hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?”
“Mahal kita, Holly. At iyon ang ibig kong sabihin.”
Napasinghap siya. Inabot ni Cedrick ang isang palad niya. “Noong araw na naabutan mo kami ni
Hailey sa bahay, magtatapat na sana ako sa ’yo. Akala ko ikaw ‘yong dumating. Hailey pretended to be Copyright by Nôv/elDrama.Org.
you. When she kissed me, I kissed her back thinking that it was you. And that was my greatest regret.
Sana pala hindi ako nagpadala sa damdamin ko noon.” Natawa ang binata pero mapait iyon sa
pandinig ni Holly. “I was so stupid. I immediately grabbed the chance to kissed you back when I thought
she was you because I thought that was a sign that you loved me, too. ‘Tapos dumating ka.
Ginusto kong magpaliwanag but Hailey blackmailed me. Kung hindi ako papayag na magkaroon kami
ng relasyon, masisira ako lalo sa ’yo at sa mga magulang mo. Posible ring magkalamat ang sitwasyon
ni daddy at ni tito Alfar dahil doon. Damn,” Naihilamos ni Cedrick ang kamay sa mukha nito. “I know I’m
not supposed to say those words. After all, it’s in the past already. It’s also ungentlemanly. Pero
nababaliw na ako.” Itinuro nito ang dibdib nito. “Ang sakit-sakit na kasi dito. Para akong sasabog dahil
ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano magsisimula.”
Natulala si Holly. Napatitig siya sa matinding paghihirap sa anyo ni Cedrick. “P-pero bakit naman
gagawin iyon ni Hailey?”
“Because she said she loved me, too.”
Inilahad ni Cedrick kay Holly ang mga nangyari noon rito at kay Hailey. Bumitaw siya mula sa
pagkakahawak ng binata. Pilit na binalikan niya sa isip ang mga naganap noon. Mayamaya ay hindi
makapaniwalang napailing siya. Posible kayang si Cedrick ang dahilan kung bakit hindi sila naging
malapit sa isa’t isa ni Hailey noon? Dahil mga bata pa lang sila, gaya niya ay minahal na rin nito si
Cedrick at nagseselos ito sa kanya?
Naalala niya ang mga naging pagtataray sa kanya ng kakambal ng wala namang dahilan at ang
nahuhuli niyang pag-irap nito sa kanya sa tuwing kasama niya si Cedrick. Nakikipag-unahan si Hailey
sa kanya sa pag-upo sa passenger seat sa tabi ni Cedrick noong sinusundo sila ng binata sa eskwela.
Parati rin itong sumusulpot at nakikisalo sa usapan nila ni Cedrick sa tuwing binibisita siya ng binata
noon. Naalala rin ni Holly ang pamamaga ng mga mata ng kakambal noong araw na umalis ang binata
papuntang Amerika. Ilang araw itong hindi naglalabas ng kwarto nito noon.
Oh, God. Bakit ba hindi niya iyon napansin noon? Siguro ay masyadong natangay ang batang puso
niya ng mga nararamdaman. Ang alam niya lang ay ang kilig at saya sa puso niya. Nakaligtaan niya
nang isipin kung ano ang posibleng nararamdaman ni Hailey. Anong klaseng kakambal siya? At si
Cedrick… napahawak si Holly sa kanyang noo. Kulang dalawang taon din siyang nagpakalunod sa
sakit noon dahil ang buong akala niya ay niloko siya ng binata at pinaasa lang. At ngayon ay
nasasaktan ito nang dahil sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang unang iisipin.
Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan ni Holly. Bukas na ang kasal niya pero hayun
siya at sinorpresa pa ng mundo. Bigla ay gusto niyang pagsisihan na hindi siya pumayag sa suhestiyon
ng mga magulang na sa mansyon na magpalipas ng gabi kasama ang mga ito. Sa huling sandali ay
ginusto niyang mapag-isa na muna para lasapin ang huling gabi niya bilang dalaga bago niya harapin
ang panibagong kabanata ng buhay niya kasama ang lalaking laman hindi lang ng puso niya kundi pati
na ng mga pangarap niya.
Pero kung kasama niya lang sana ang mga magulang ay alam niyang hindi siya hahayaan ng mga ito
na makausap ng matagal si Cedrick. Hindi sana magugulo ang isip niya. At si Hailey… Muli siyang
napabuntong-hininga. Hindi nila ma-contact ang kakambal. Hindi nila alam kung saan ito hahagilapin.
Si Hailey ang orihinal na gusto ni Holly na maging maid-of-honor sa kasal niya. Pinuntahan nila ito ni
Aleron sa dating apartment nito sa New York pati na sa mga lugar na madalas nitong puntahan noon
pero hindi nila ito matagpuan.
Nagtanong-tanong na rin ang mga magulang niya sa mga kaibigan ni Hailey pero wala ring alam pati
ang mga iyon kung nasaan ang kakambal niya. Nag-aalala na ng husto ang mga magulang. Humingi
na ang mga ito ng tulong ng isang pribadong imbestigador para mahanap si Hailey pero wala pa ring
balita hanggang ngayon.
Nag-aalinlangan na rin noon ang kanyang ina na ituloy ang kanyang kasal, na magdiwang ng
nawawala pa rin si Hailey pero nakahanda na ang lahat. Bukod pa roon ay gusto niya na ring maikasal
agad kay Aleron. Hindi na siya makapaghintay na makasama ang binata. Kaya napagkasunduan nila
na itutuloy pa rin ang kasal at magkakaroon na lang ng ikalawang pagdiriwang sa oras na dumating na
o ‘di kaya ay matagpuan na si Hailey. Si Jazeel ang naging maid-of-honor niya.
Nanlaki ang mga mata ni Holly nang bigla ay lumuhod si Cedrick sa harap niya. Napuno ng
pinaghalong tuwa, awa at sakit ang puso niya. Tuwa dahil hindi naman pala siya niloko ni Cedrick
noon. She was loved by him from the very beginning. Awa dahil sa sitwasyon ng binata ngayon at sakit
dahil sa nalamang pinagdaanan nito at ni Hailey na sa huling sandali ng kunwa-kunwariang relasyon
ng mga ito ay hindi nagawang angkinin ang puso ng binata.
“This is going to be the stupidest and craziest thing I’ll ever say in my entire life. Pero akin ka na lang
uli, Holly, utang na loob. Mahal na mahal kita. Sa akin ka na lang sumama bukas.”
“God, Ceddie.” Nagpapaunawang ikinulong ni Holly ang mga pisngi ni Cedrick sa kanyang mga palad,
iyon ang nakasanayan niyang gawin sa binata noong parati pa silang magkasama. Hindi siya sanay na
makita ang binata na nagkakaganoon. “I’m happy to know that you truly loved me.” Bahagya siyang
ngumiti. “Hindi pala ako nabigo sa unang subok ko sa pagmamahal noon. Nasasaktan ako para sa ’yo,
para sa inyo ni Hailey pero wala akong magawa. It’s Aleron that I love now. And I’m sorry.”
Nag-ulap ang mga mata ni Holly. She didn’t want to break Cedrick’s heart even more but she had to
say those words. “I’m so sorry because after everything that I’ve heard, I’m still going to wake up
tomorrow morning for my wedding. ‘Wag ka nang pumunta bukas. Ayoko na masaktan ka pa lalo. You
are one of the kindest man I’ve ever met, Ceddie. Isa ka sa mga rason kung bakit nakapagsulat ako ng
mga nobela dahil malaking bahagi ka ng inspirasyon ko. At alam ko, sa oras na pakawalan mo ako sa
puso mo, marami ang nakahandang pumila para palitan ako.”
Muling ngumiti si Holly. “Let me go, Ceddie. Free your heart from me. Iyon na lang ang wedding gift mo
sa akin at sa sarili mo. Sa muli nating pag-uusap alam ko, tatawanan na lang natin ang pangyayaring
ito. Sa ngayon, umalis ka na muna, please. Ayokong magkasakitan pa tayo lalo.”
“I love you so much.” Bulong ng binata.
“I know that now.” Mahinang wika ni Holly. Lalong naghirap ang loob niya. “Tama na, Cedrick-“ Nagulat
siya nang abutin ng binata ang batok niya at likod. Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga
labi.