Chapter 2
Chapter 2
WHY do I love her? Simple lang. Because she makes me feel so lively. Sa tuwing kasama ko siya,
pakiramdam ko, iyon ang unang beses kong nabuhay sa mundo. It could be her smile or the glow in
her eyes. Or it could be everything about her.
Naglaro sa isip ni Aleron ang mga sinabing iyon ni Athan sa journal nito habang naglalakad siya
papalapit sa mesa nila ni Holly dala ang tray na puno ng mga pagkain. Para namang naramdaman ni
Holly ang pagtitig niya rito. Nag-angat ito ng mukha. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Sandali siyang natigilan nang biglang kumabog ang dibdib niya.
Sa gitna ng pagluluksa ni Aleron, pakiramdam niya ay iglap na nagliwanag ang lahat. Kung siya nga na
kung tutuusin ay sanay na sa pakikitungo sa mga babae ay naaapektuhan pa rin sa ngiting iyon ni
Holly, paano pa kaya ang may pagka-nerd niyang kapatid na si Holly ang kauna-unahang minahal at
naging girl friend?
Humigpit ang pagkakahawak ni Aleron sa tray. Holly was beyond lovely. Hindi nabigyan ng hustisya ng
mga nakita niyang litrato nito sa kwarto ni Athan ang totoong anyo nito. Napakasimple ng anyo ng
dalaga, malayo sa glamorosang mga babaeng nakakahalubilo niya. Nakapantalon lang ito na may mga
butas pa sa mga tuhod, puting sando at puti ring rubbershoes. Nakatali ang tuwid na tuwid na buhok
nito at hubad sa make-up ang mukha. Pero lutang pa rin ang ganda nito kahit para lang itong pupunta
sa parke.
Matangkad si Holly kumpara sa pangkaraniwang Pinay. Sa taas ni Aleron na anim na talampakan ay
hanggang ilong niya ang dalaga. Ginintuan ang kulay nito pero imbes na makabawas ay nakadagdag
pa iyon sa appeal nito. She had droopy hooded eyes. Ginintuan din ang kulay ng mga matang iyon,
mga matang para bang kay hirap nang bitawan sa oras na matitigan na ng isang tao. Those eyes
seemed to require attention. Maganda ang maliit at matangos nitong ilong. Maninipis ang mala-rosas
nitong mga labi, mga labi na para bang nilikha para magbigay ng ngiti. Kung nahulog man si Athan sa
bitag ni Holly, masisisi niya pa ba ito?
Iba ang paraan ni Holly para makakuha ng atensyon ng isang lalaki o ng isang mayamang lalaki-sa
kaso ng kapatid niya. She used her simplicity, making her look all the more delicate. Ayaw mang
aminin ni Aleron ay tama si Athan, totoo ngang kakaiba ang dating ni Holly.
“There it is!” Naalala pa ni Aleron na parang excited pang sinabi ni Holly matapos niyang i-park ang
kotse sa tapat ng isang fast food restaurant. “Jabee! Yum! Yum!” Mistulang bata pang dagdag nito.
Jollibee pala ang tinutukoy nitong Jabee.
Sa huli ay mukha namang walang kahirap-hirap na nakuha ni Aleron ang tiwala ng dalaga. Sumabay
na lang ito sa kanyang kotse at itinuro ang daan papunta sa pinakamalapit daw na lugar na pwede
nilang kainan. Of course, it was just his excuse. Kinabisado niya na ang buong village kung saan
nakatira si Holly pati na ang mga lugar na malapit roon bago pa man siya lumipat roon.
Sinadya ni Aleron na lumipat sa katabing bahay ni Holly para mas mapadali ang plano niya. Isang
paraan niya na rin iyon para masubaybayan ang bawat ikinikilos ng dalaga. Noong nakaraang bwan
niya pa nabili ang bahay pero nang araw na iyon lang siya nakalipat roon dahil tinapos niya na muna
ang lahat ng mga trabaho niya bago siya kumuha ng dalawang bwang leave sa opisina, para
maasikaso niya na ang planong paghihiganti.
May dalawang buwan na rin simula nang yumao ang nag-iisang kapatid niya. Aleron didn’t have the
time to mourn. Saka niya na gagawin iyon sa oras na matupad niya na ang ipinangakong paghihiganti
sa mismong puntod ni Athan.
“It’s your first time in a place like this, isn’t it?” Ani Holly nang sa wakas ay maibaba na ni Aleron ang
tray sa kanilang mesa.
Totoong hindi pa nakapapasok si Aleron sa saanmang fast food restaurant. Hindi niya nakahiligang
kumain sa ganoong lugar. Sa kabila niyon ay nagboluntaryo pa rin siyang siya mismo ang mag-order
ng kanilang makakain matapos alamin ang mga gustong kainin ng dalaga na gaya niya ay hindi pa rin
daw nakapaghahapunan. Napahagikgik ang dalaga nang hindi siya agad makasagot.
“It’s obvious.” Inayos na ni Holly sa mesa ang kanilang mga pagkain. Nasorpresa pa si Aleron nang
itaas ng dalaga ang fried chicken kasabay ng pagpikit pa nito. “Hmm… ‘bango! I’ve missed you, my
precious chicken joy!”
How could this woman act so convincing? Mayamaya ay napailing si Aleron. Perhaps, some people
are just born gifted. Nabasa niya ng buo ang journal ni Athan. At puro tungkol kay Holly ang entries
roon kaya parang nakilala niya na rin ang dalaga. At nakalagay roon na hindi mahilig sa fast food si
Holly. Puro foreign dishes umano ang gusto nito. But then again, maybe she was using a different
tactic towards Aleron. Pero hinding-hindi siya magpapadala sa ganoong bagay.
Ang ipinagtataka lang ni Aleron ay kung bakit si Athan pa ang napili ni Holly na biktimahin samantalang
may kapasidad naman ang dalaga na makuha ang sinumang gustuhin nito. Bukod pa roon ay nagmula
ito sa isang kilalang angkan. Isa itong Lejarde. At mayayaman ang lahat ng mga kabilang sa angkan
na iyon. Bakit kailangan pa nitong gumamit ng lalaki para magkapera? Isa iyon sa nabasa niya sa
journal ni Athan. Ang bahay na tinitirhan ngayon ni Holly ay binili pa ni Athan para sa dalaga.
Ipinangalan nito iyon kay Holly. Nasa isa sa mga drawer sa kwarto ng kapatid ang kopya ng
dokumento ng titulo ng bahay.
Nagtagis ang mga bagang ni Aleron sa naisip. Lahat ng luho ni Holly mula sa alahas hanggang sa
mamahaling mga damit ay ibinigay ni Athan. Para saan? Ano ba ang gustong patunayan ni Holly? Na
kaya nitong paikutin ang lahat ng tao sa paligid nito sa isang kumpas lang nito? Kung tutuusin ay kaya
nitong patuloy na magbuhay prinsesa dahil sa Hydro Power Corporation na pagmamay-ari ng pamilya
nito. Holly was proving to be a spoiled heiress who thinks that the world can change with a snap of her
finger. Pathetic. Disgusting.
Pero agad niya ring nalimutan ang mga isiping iyon nang sa pagmulat ng dalaga ay agad nitong
nilantakan ang fried chicken pati na ang spaghetti at French fries sa harap nito. Napatitig siya sa mga
labi nito na nabahiran na ng sauce ng spaghetti. Napalunok si Aleron. He suddenly had the urge to lick
the sauce on the side of her lips. Kahit ang pagkain nito ay para bang natural na natural.
“What?” Parang inosente pang tanong ni Holly nang mapunang nakatitig rito si Aleron.
Napailing siya. “Nothing. You just looked… a bit hungry.”
Muling ngumiti ang dalaga. “Kanina pa talaga ako nagugutom at plano ko na rin talagang tumawag rito
para magpa-deliver. Nalimutan ko lang. I was busy dealing with my manuscript. Besides, I really
missed Jabee. Pasensya na.” Para namang nahihiyang binitiwan ni Holly ang fried chicken. “I looked
gross, didn’t I?”
Pinakatitigan ni Aleron si Holly. “Well, actually, you look… beautiful regardless of the combination of
gravy and spaghetti sauce on your lips.”
He was supposed to fake the compliment but damn it, he meant it.
SA IKALAWANG pagkakataon sa gabing iyon ay damang-dama ni Holly ang pag-iinit ng mga pisngi
niya. Sandaling nakita niya ang pagdidilim ng mukha ni Aleron pero mabilis rin iyong naglaho.
Naalarma siya. Siguro ay kabaliktaran ng mga sinabi nito ang totoong nararamdaman nito. Na-turn off
na siguro ang binata sa kanya. Hindi nga lang nito direktang masabi dahil gentleman ito.
Nakakahiya ka, Holly! Gusto niya nang lumubog sa kinauupuan. May pagka-careless talaga siyang
kumain hindi gaya ni Hailey at ng kanyang ina na napaka-graceful. Balewala ang bagay na iyon sa
kanyang ama pero madalas siyang napupuna ni Hailey at ng ina dahil doon lalo na kapag nakakasalo
niya ang mga ito sa mansyon.
Puro instant noodles, mga de-lata at cupcakes ang laman ng kusina ni Holly. Kung hindi siya nagpapa-
deliver mula sa kung saan-saang restaurant ay ang mga stock niyang iyon ang kinakain niya lalo na sa
tuwing abala siya sa pagsusulat. Noong bisitahin siya ng ina at malaman ang ganoong lifestyle niya
ilang linggo na ang nakararaan ay araw-araw na itong nagpapahatid sa kasambahay nila sa mansyon
ng mga pagkaing ito pa mismo ang nagluluto. Pakiramdam niya tuloy ay hindi rin siya nakaalis sa
kanilang mansyon.
Bente-otso na si Holly at madalas ay gusto niya na ring magreklamo sa ina pero bago niya pa man
gawin iyon ay sinosopla na siya nito. Tuluyan lang daw siyang makakalaya mula sa mga kuko nito sa
oras na magkaroon na siya ng asawa. Asawa. Ngayon na lang siya muling nagkaroon ng potential
candidate pagkalipas ng ilang taon pero mukhang nanganganib pa. Sa naisip ay nagmamadaling
hinagilap ni Holly ang tissue sa mesa.
Dalawang beses nang sumasablay si Holly kay Aleron. Una ay basta na lang niya itong niyaya sa lugar
na iyon kahit na nga ba wala sa anyo nito ang kumakain roon. Pangalawa ay nakakahiya pa siyang
kasamang kumain, nakakawalang gana, nakakawalang poise.
“Holly, relax. There’s really nothing to be ashamed of.”
“Pero-“ Natigil sa pagsasalita si Holly nang biglang dumukwang si Aleron sa mesa at ilapit ang mukha
nito sa kanya. Napasinghap siya lalo na nang malanghap ang mabangong hininga nito. Dumoble ang
bilis ng pagtibok ng puso niya. “A-aleron, I-“Sa pagkagulat niya ay iniangat ng binata ang baba niya at
mabilis na sinakop ang mga labi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Holly. Iyon ang kauna-unahan niyang halik! Bigla, pakiramdam niya ay tumigil
ang oras. Wala na siyang ibang naririnig kundi ang tibok ng puso niya. Nang makabawi ay unti-unti
niyang ipinikit ang mga mata sa kabila ng warning bells sa isip niya. Naghuhumiyaw ang katotohanang
isa pa ring estranghero si Aleron. But she liked the feeling of his lips next to hers.
Kulang ang mga salita para ilarawan ni Holly ang kakaibang nadarama. Noon niya napatunayang
bagito pa talaga siya pagdating sa ganoong bagay. Malayo sa mga isinusulat niya ang totoong
pakiramdam ng mahalikan. Hindi niya naabot ang langit o kahit ang ulap gaya ng inilalarawan niya sa
nobela. Pero parang may nakatutunaw na bagay na pumapasok sa puso niya.
Mabilis ding nawala ang masarap na pakiramdam na iyon nang pakawalan ni Aleron ang mga labi niya.
Napadilat siya.
“Sorry.” Namamaos na wika ng binata. Titig na titig pa rin ito sa mga labi ni Holly. “I was about to wipe
the sauce but my hands are tired. Fortunately, my lips aren’t.” Hindi nakatakas sa kanya ang paglunok
ng binata. “You have the sweetest lips I’ve ever kissed, Holly.”
Hindi nakasagot si Holly. Napahaplos siya sa mga labi niya. Bigla ay alam niya na kung ano ang
isusulat niya. Mabilis na gumana ang imahinasyon niya. Nagsulputan ang mga ideya sa isip niya. At
dahil lang iyon sa isang halik na alam niyang lumipas man ang panahon ay hindi niya malilimutan.
Sulit. Sulit ang paghihintay niya sa first kiss niya. Sulit na isulat. Sulit na ibahagi sa lahat.
NAGLAHO ang ngiti ni Hailey matapos makita ang sariling repleksiyon sa salamin. Napu-frustrate na
inayos niya ang malapad na sumbrerong suot pati na ang makulay na scarf sa kanyang leeg.
Kung tutuusin ay wala naman halos nagbago sa itsura niya pero pakiramdam niya ay napakalayo niya
na sa dating Hailey Lejarde. Balot na balot siya, mula sa three-fourths na bestida na lagpas kalahati ng
mga hita niya ang haba hanggang sa itim na boots niya na siya namang tumatakip sa mga binti niya.
Damn it.
Mayamaya pa ay nakarinig si Hailey ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto niya. “Come in.”
Walang ganang sagot niya. Lumayo na siya sa salamin. Naupo siya sa kanyang kama.
Hindi nagtagal ay pumasok si Cedrick. Agad itong ngumiti nang makita si Hailey. Bumakas ang
paghanga sa mga mata nito. “Are you ready?”
“I wanted to say I am. After all, I really do missed partying. Pero magtataka ang mga tao sa oras na
makita na nila ako. I mean, look at me, Rick. Everything’s different now. Hindi na ako ‘to.”
Nadidismayang tiningnan pa ni Hailey ang kasuotan.
“Wala namang nagbago. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan.”
Napailing si Hailey. Of course, Cedrick would say that. Hinubad niya na lang ang boots niya pati na ang
sombrero at scarf niya. Pinaghahagis niya ang mga iyon. Sa ibang pagkakataon siguro ay
manghihinayang siya dahil hindi biro ang halaga ng mga gamit na iyon. Pero wala na siyang pakialam
kasehodang paboritong brand niya pa ang mga iyon.
Ibinagsak ni Hailey ang katawan sa kama. Sumunod na napatitig siya sa mga kuko niya. Her nails
were perfectly done. Bright red ang kulay niyon na siyang paborito niya. Pero hindi niya iyon
magawang ma-appreciate ngayon. She couldn’t appreciate anything anymore and that’s the problem.
“Hailey, ano bang problema?” Mahinahon pa ring tanong ni Cedrick.
“Wala. Pero nagbago na ang isip ko. Ayoko nang pumunta sa party. Nobody truly wanted me there,
anyway. Those good for nothing witches! I’m sure they just wanted to confirm my downfall. At hindi ko
sila hahayaang gawin iyon.” Mariing wika ni Hailey. “Not in this lifetime!”
“Umamin ka nga sa akin.” Naupo si Cedrick sa tabi ni Hailey sa kama. “This sudden outburst of yours
isn’t just because of the whole party thing, is it?”
Nag-iwas si Hailey ng mga mata.
“It’s about that Athan Williams. ‘Wag ka nang magkaila. Narinig kita kagabi. You were dreaming and
you whispered Athan’s name. Aminin mo na kasi sa kanya ang totoo, Hailey. Bumalik ka na sa
Pilipinas. Sasamahan kita.”
Tumalim ang mga mata ni Hailey. Humarap siya kay Cedrick. “No! I don’t want to talk about that nerd-”
“The nerd that you fell in love with.”
Kumuyom ang mga kamay ni Hailey. Iniba niya ang pwesto ng pagkakahiga, patalikod kay Cedrick
para itago ang pagguhit ng sakit sa mga mata niyang alam niyang hindi makaliligtas sa mapanuring Content is property of NôvelDrama.Org.
mga mata ng binata. Tumaas-baba ang kanyang dibdib sa pagpipigil na sumambulat ang kanyang mga
emosyon. Mariing ipinikit niya ang mga mata.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay naglaro sa isip niya ang nakangiting mukha ni Athan. Agad
rin siyang napamulat. Nag-ulap ang mga mata niya. Damn life.