CHAPTER 31: Two Faces
(Patty) "Lina!"
Tawag pansin ko sa dalaga na papasok na sana sa arts building.
Lumingon naman ito at kitang kita ko kung paano nagbago ang expression nito. Ang matatamis nitong ngiti ay nauwi bigla sa pagngisi.
I stun for a second. Nanibago ako bigla sa ipinapakitang ugali ni Lina sa akin. She is always sweet at mabait, sobrang pure.
"Oh! Hi Patty." magiliw nitong bati sa akin ng makalapit ako.
Habang tinititigan ko si Lina parang bigla hindi ko na siya kilala.
"May gusto lang sana akong itanong."
"Ano 'yun?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Bakit mo nagawa sa'kin 'yun?" may hinanakit na tanong ko.
Hindi ko maiwasan na maging emosyonal. I treated her my friend like my best friend kahit na saglit pa lamang kami nagkakilala.
"What are you talking about?"
"About Gelo."
"Oh! That. Alam mo na pala. I'm sorry. Hiniram ko lang naman Patty." tumatawang turan nito.
'Hiniram? What the heck!'
"Anong..... sinasabi mo?"
"Alam mo kasi Patty, mahina ka, 'Ma.. ba.. gal'. Kuha mo?"
"Bakit mo inangkin ang kwento namin ni Gelo? Bakit mo sinabi kay Prince na ikaw ang nakasama niya sa ampunan kahit alam naman natin pareho na ako iyon." naiiyak ng turan ko.
"Ang sakit mo naman magsalita Patty. Inangkin? Hiniram ko lang naman." nakangisi nitong sagot.
"Paano mo nalaman na si Prince ay si Gelo?"
"Hula ko lang 'yun. Ang galing ko diba. Narinig ko kasi na nag-uusap kayo sa music room. May amnesia siya diba. Sinubukan ko lang naman kung tama ang hinala ko pero parang siya nga si Gelo." "Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Do I need to?" sarkastikong tanong nito.
"Lina, your my friend. Pinagkatiwalaan kita about sa nakaraan ko. Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin na si Prince pala ang Gelo na matagal ko ng hinahanap."
Hindi ko napigilan manginig sa halo halong emosyon na nararamdaman ko, sakit, galit, at lungkot. Unti-unting nag-init ang paligid ng mga mata ko. Ayokong umiyak pero sa nakikita kong ekpresyon ng mukha ni Lina na parang baliwala sa kanya ang lahat, doon ako nasasaktan. I treasure her like my own sister. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya lalo na ng malaman ko na galing din siya sa ampunan.Content is property of NôvelDrama.Org.
"Tatanungin kita Patty, may karapatan ka ba kay Prince? You never own him." mataray na nitong sagot sa'kin, naging mabalasik ang mukha nito.
"Hindi. Pero sa akin ang nakaraan na inangkin mo. Akala ko ba si Kuya Renz ang nagugustuhan mo kaya ka nga lumipat sa school na ito. Pero bakit ngayon si Prince na ang gusto mo?"
"Masama bang magustuhan si Prince? Gusto mo lang siya at hindi kayo kaya wala kang karapatan na may ibang magkakagusto rin sa kanya." pagtataray nito.
"What is happening here?" rinig kong turan ng taong nagsalita sa likuran ko.
"Bakit mo ba ako pinagbabawalan Patty?" bigla naging maamong tupa ang ekspresyon ni Lina. Para itong kawawang kawawa.
"Huh? Anong.....?"
Lumingon ako. Naroroon sila kuya Renz, kuya Vince, kuya Yuki, kuya Niko, kuya Lance, at si Prince. Naroroon sila sa 'di kalayuan sa likuran ko at marahan na naglalakad papalapit sa amin ni Lina. Mga nakakunot noo na nakatingin sa amin. Napalingon akong muli kay Lina ng magsalita ito.
"Masama bang mapalapit kay Prince? Masama bang kilalanin ang taong matagal ko ng hinahanap?" umiiyak na nitong sambit sa akin.
"Teka! Bakit ka umii---?"
Kanina lamang ay palaban ito at mataray akong kinakausap tapos ngayong dumating ang mga Zairin bigla siyang naging maamo at parang aping-api.
"Alam mong matagal ko ng hinahanap si Gelo, Patty. Ngayong nakita ko na siya sa katauhan ni Prince bakit mo ako pinagbabawalan lapitan siya? Alam ko may gusto ka kay Prince..."
"Lina, bakit mo sinasabi ang mga---?" napapahiyang tanong ko kay Lina at marahan na hinawakan ito sa braso ngunit pumiksi ito.
Bakit kailangan pa niyang sabihin sa harapan ng mga Zairin ang bagay na ito. Ano ba ang gusto niyang palabasin?
"I thought you were my friend. Kaya't bakit mo ako hinahadlangan na makilala ang taong matagal ko ng gustong makita? Alam ko may amnesia si Prince kaya't hindi niya ako maalala. Hindi niya maalala ang nakaraan namin sa ampunan kaya nga gusto ko siyang kilalanin, gusto kong ipaalala sa kanya ang nakaraan namin." mahabang sabi nito habang umiiyak kaya't ang ano mang sasabihin ko ay naputol.
"Anong sinasabi niya dude?" tanong ni kuya Renz kay Prince.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"You have amnesia? Ampunan? Ampon ka? Bakit hindi namin alam?" tanong rin ni kuya Vince.
Prince stared at Lina. Seryoso itong nakatitig kay Lina na patuloy pa ring umiiyak sa tabi ko. Habang ako kanina pa kumikirot ang dibdib dahil sa ginagawa ni Lina.
"Bakit mo ba ginagawa ito Lina?" bulong ko sa dalaga. Umiiyak pa rin ito ngunit nanlilisik ang mga mata ng ito'y tumingin sa akin.
"Dahil naiinis ako sa'yo." bulong rin na sagot nito.
Nagulat ako sa isinagot nito. Naiinis?
"Pero wala akong ginagawang masama sa'yo." naluluhang sagot ko.
Hindi kami naririnig ng Zairin dahil ayoko rin naman magkagulo pa kaya't pabulong lamang akong nakikipag-usap sa kanya.
"Sa tingin mo, sino ang paniniwalaan sa atin ni Prince? Sa lahat ng sinabi ko panigurado naguguluhan na siya ngayon."
Nagulat kami ng bigla nasa tabi na namin si Prince at higitin nito si Lina paalis. Kumirot ang dibdib ko ng makitang ngumisi sa akin si Lina. Sa huli, si Lina pa rin ang pinili niya. Mabilis akong tumalikod sa papalayong si Prince at Lina hindi ko magawang tingnan sila na magkasama. Tumingala ako upang pigilin ang nagbabantang pagtulo ng luha.
Ang sakit sakit. Prince, ako ito. Ako ang taong nakasama mo sa ampunan at hindi si Lina. Ako ito, Gelo.
Gusto ko sanang isigaw ngunit hindi ko magawa. Tama si Lina, napakahina ko at napaka bagal. Nasa harapan ko na ang taong matagal ko ng hinahanap ngunit hindi ko man lang napansin.
Nilapitan ako ng Zairin boys sa naguguluhang expression lalong lalo na si kuya Renz. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko. Pinilit kong ngumiti kahit na sobrang sakit na ng dibdib ko. Kahit halos hindi na ako makahinga sa sakit. "Anong sinasabi ng babaeng iyon Patty? Ano yung mga bagay na sinabi niya tungkol kay Prince? Totoo ba 'yon?"
"Sa totoo lang mga kuys hindi ko rin alam."
Narinig ko ang buntong hininga ng mga ito. Napayuko ako. Bakit hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo? "Totoo ba ang kumakalat na balita?"
Naulinigan kong turan ng isang babaeng estudyante kasama ng iba mga kaibigan nito na kumakain dito sa cafeteria. Noong una hindi ko sana papansinin ngunit involved si Prince.
"Si Prince daw ng Zairin department may girlfriend na!"
"Talaga? Paano mo naman nalaman? And who is the lucky girl?"
"Nakakainis! Taken na ang fafa Prince ko. Totoo ba ang balita?"
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Iyon ang sabi ng mga nakakita na magkasama silang dalawa no'ng babae."
"Anong course no'ng girl? Saang building siya?"
"Hindi ko sigurado pero parang sa Arts building daw."
Napakuyom ang aking mga kamay.
'Si Lina. Sila na ni..... Prince.'
Pumihit ako patalikod. Hindi na lang ako kakain. Nawalan na ako ng gana. Nakayukong lumabas ako ng cafeteria. Hindi ko napansin na may makakasalubong ako. Nabangga ako sa dibdib nito. Natumba ako sa sahig at nagsimulang umiiyak. Hindi ako umiiyak dahil sa pagbangga sa akin at pagbagsak sa sahig mas nasasaktan ako sa nalaman kong officially sila na ni Prince at Lina.
"I'm sorry miss? Hindi ko sinasadya. Pat-pat ikaw ba yan?"
Napatingala ako ng makilala ang nagsalita. Si kuya Vince.
"Bakit ka..... umiiyak?" anito sa pahinang boses.
Napayuko ako bigla at mabilis na nagpunas ng luha. Nakakahiya!
Tinulungan ako nitong tumayo. "Okay ka lang ba? Huwag ka na umiyak, hindi ko naman sinasadya. Hindi kita napansin. May masakit ba sa'yo?"
Ramdam ko sa boses nito ang pag-aalala. Nakayuko pa rin ako at hindi ito tinitingnan. Nakakahiya na para akong batang umiiyak sa harapan nito.
Nagulat ako ng hawakan nito ang aking baba at marahang ini-angat iyon. Inilagay nito sa tigkabilang pisngi ko ang dalawa nitong palad at marahang pinalis ang mga luha sa aking mga pisngi gamit ang dalawang hinlalake nito. Hindi ko maiwasan na titigan ito, nakangiti ito habang ginagawa iyon.
"Hindi bagay sa'yo ang umiiyak." anito habang nakangiti pa rin.
I don't know pero bigla nagsimulang tumibok ang puso ko, matapos ko iyon marinig sa binata.
"Ang panget mo." dagdag nito sabay tawa at saka ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako. Napapahiyang iniwas ko ang tingin kay kuya Vince. May problema ba ang puso ko?