Chapter 40: Kabanata 39
Chapter 40: Kabanata 39
Kabanata 39:
The Twins
______________
Clarity
"Bakit niyo ba ako hinihigit?!"
Tumigil sa paghigit sa akin sila Sho at Tzuoi at sabay na bumuntong-hininga. Tumigil kami sa isang
puno at pinaupo nila ako sa ilalim noon.
Nasa bandang huli kase ako kanina kasama ang kabayo ko ng may humigit sa akin. Noong una balak
ko na sana iyong patayin pero ng makita ko ang humigit sa akin ay kumunot lang ang noo ko.
"Bakit niyo ako dinala dito?"
Tinitigan nila akong dalawa bago sumagot si Sho, "Kailangan mo ng bumalik sa Gresfet garden, Luna."
Tinaasan ko ng kilay si Sho, "Kung ganon, bakit niyo ako hinila papunta dito?"
"Dahil may kailangan kang malaman."
"Ano 'yon?"
"May dalawang klase ng bampira."
Napabaling ang atensiyon ko kay Tzuoi ng siya na ang sumagot sa tanong ko.
Dalawang klase ng bampira?
Ang alam ko, lahat ng bampira ay iisa lang! Lahat pumapatay kung kakailanganin!
"What do you mean?"
"We're Herkh while your boss is the example of Yerkh vampires. What is the difference between the
two? Ang Herkh ay klase ng mga bampira na ang mga kinakain lang ay gulay samantalang ang Yerkh
ay kumakain ng tao." Sho paused, "Hindi namin kayang pumatay ng tao dahil iyon ang nakasaad sa
tradisyon ng mga Herkh. Pero ang mga Yerkh ay legal ang pagpatay sa taong nais nilang kainin o
patayin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Sho. May klase pa pala ng mga bampira.
"But kuya Mark is Herkh."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tzuoi. Mark? Yung kapatid ba ni Miguel?
"Impossi- Ahh, I mean, how come na siya ay isang Herkh samantalang si Miguel ay Yerkh?"
"Basic, hindi sila tunay na magkapatid."
So, may ampon sa kanilang dalawa?
"Walang ampon sa kanilang dalawa, Luna."
"Wala? Eh paanong hindi sila magka-"
"Itinadhana lang silang maging magkapatid kapag sumapit na ang ika-pitong kaarawan nilang dalawa.
Kung sa tingin mo mas matanda si Kuya Miguel, nagkakamali ka, Luna. Pareho lamang sila ng edad.
Magkaiba ang kanilang mga magulang. At nabibilang sa Herkh ang mga magulang ni Kuya Mark."
Napatango nalang ako sa sinabi ni Tzuoi.
Kung ganon, mabait talaga si sir Mark? Pero bakit nagpapauto siya kay Miguel?!
"Teka nga muna, bakit niyo ba talaga ako hinigit na dalawa?"
"Para maliwanagan ka, Luna. Nung unang pagkikita kase natin ay parang takot na takot ka. Kaya
naisip namin ni Tzuoi na ipaliwanag ang tungkol sa bagay na iyon."
Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Sho.
"At para malaman mo na rin kung sino ang tunay na kalaban sa gerang ito. Remember the Omega?"
Napalingon ako kay Tzuoi ng banggitin niya ang salitang Omega. Ang tinutukoy niya ba ay si Sarfie?
"Oo. Siya ang tinutukoy ko."
Tumayo silang dalawa sa pagkakaupo nila at yumuko sa harapan ko, "Ipagpatawad niyo po ang aming
kapangahasan, Luna."
Kumunot ang noo ko sa isinagawa nila. Bakit bumalik na naman sila sa pagiging seryoso nilang
dalawa?
"Anong meron kay Sarfie?"
Sho winked at me, "Ikaw ang papatay sa kaniya."
"ANONG nangyayari sa kanila?"
Nakasakay ako sa likod ni Sho habang tinitignan ang kaganapan na nangyayari sa Gresfet garden.
Kausap ni Miguel si Kuya Kaleb.
Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa?
"May ideya ba kayong dalawa kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa?"
They both shook their head that's why I sighed.
"Kaya mo na bang gamitin ng tama ang iyong kapangyarihan, Luna?"
Lumingon ako kay Tzuoi at umiling, "Hindi pa." Content is property of NôvelDrama.Org.
Napailing si Sho dahil sa naging sagot ko, "Paanong hindi pa? Tanga ka ba?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Maging si Tzuoi ay nanlaki rin ang mata. Nilingon ako ni Sho
habang nakasakay ako sa likuran niya, "Tanga ka ba?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.
Hindi ko alam pero nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. Kumawala ako sa likod niya at mabilis ko
siyang kinalmot sa kaniyang braso na dahilan ng pagdaing niya.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata maya-maya ay biglang ngumisi, "Tanga!"
Nainis ako sa sinabi niya kaya bigla ko siyang sinugod na dahilan ng paglaki ng mata niya. Pumunta
ako sa likod niya at mabilis na umikot ang mga braso ko sa leeg niya bago ko sinapa ang tuhod niya.
"What did you say?"
"Luna! Stop it! We're not the enemy here!"
Natauhan ako sa sinabi ni Tzuoi kaya mabilis kong inilayo ang aking sarili kay Sho. Tumingin ako sa
baba at nakita kong nag-uusap pa rin si Miguel at Kuya.
Wait!
Lumingon ako kay Sho na katabi ni Tzuoi. Nanlaki ang mga mata ko, "Lumilipad ba ako?"
Sho smirked, "No. Unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan mo Luna."
"Huh?"
"Lumalabas lamang ito kapag galit ka."
Tumingin ulit ako sa baba at nakita kong kinagat ng isang Stratk ang kuya ko. Dali-dali aking bumaba
patungo sa kinaroroonan ni Kuya. Kinuha ko ang espada nasa gilid ng isa sa mga Prekh at pinutol ang
ulo ng Stratk na kumagat sa kuya ko.
"Clarity!"
Agad kong tinutok ang espada sa leeg ni Miguel.
"B-bat buhay ka pa?"
I smirked, "War or Die?"