Chapter 21
Chapter 21
Six months later...
"FOR THE past years, I never told you I love you. Nahihiya kasi ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala
akong karapatang magbanggit ng anuman tungkol sa pagmamahal samantalang hindi ko maibahagi sa
'yo nang husto ang sarili ko, samantalang hindi ko maibigay sa 'yo ang apelyido ko."
I knew it. Napailing si Alexis habang nakatitig sa kanyang ama na naglalakad palapit sa mesa nila ng
ina. Kanina lang ay nasorpresa pa silang lahat nang marinig itong umawit sa mismong restaurant kung
saan sila niyaya nito. Pero hindi pa pala roon natatapos ang mga pakulo nito. Natahimik ang lahat ng
mga kumakain sa lugar na iyon habang tutok na tutok sa kinakabahang anyo ng bise-presidente ng
bansa na ngayon ay nakalapit na sa mesa nila hawak pa rin ang mikropono.
"All these years, I've loved you in silence, Miranda. Sabi ko noon sa sarili ko, sakali mang magsawa ka
na at mapagod sa uri ng relasyong mero'n tayo, maiintindihan ko. Pero naiiba ka. I've always wondered
how you managed to stay despite everything." Lumuhod si Alexander sa harap ng kanyang ina
kasabay ng paglabas nito ng singsing mula sa bulsa ng pantalon nito. "I don't want to love you in
silence anymore. Miranda, will you grow old, I mean, older with me?"
Nagtawanan ang mga tao. Pero para bang hindi iyon napansin ng ina na tumayo mula sa upuan nito.
"Alex, you are worth all the tears and sacrifices." Naluluhang sagot ng ina kasabay ng pagyakap nito sa
kanyang ama. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Ilang sandaling pinakatitigan ni Alexis ang
dalawang matandang ni sa hinagap ay hindi niya inakalang hahantong sa ganoon bago unti-unting
sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
Habang pinagmamasdan ang mga ito ay bumalik sa isip ni Alexis kung paano sila nagsimula ng mga
magulang sa bagong yugtong iyon ng mga buhay nila. Eksaktong walong buwan iyon sa araw na iyon,
sa mismong kwarto niya sa ospital...
"Patawarin mo ako, Alexis. Everything about my life was a mess, son. Hindi ko alam kung paano
maging ama. Ang alam ko lang, kung paano maging anak." Nakayukong sinabi ni Alexander na
gumulat kay Alexis. Wala sa karakter ng kanyang ama ang humingi ng tawad at tanggapin ang mga
pagkakamali nito. "Nagpakasal kami ni Connie dahil sa utos ng mga magulang namin para sa mas
ikalalago ng kompanya namin." Si Connie ay ang orihinal na asawa nito. "Nang makilala ko siya, may This is the property of Nô-velDrama.Org.
iba na siyang mahal. Pero sinunod niya pa rin ang utos ng kanyang mga magulang.
"Sa pamilyang kinabibilangan namin, isang malaking pagkakamali ang hindi sumunod sa mga
magulang kahit pa kaligayahan mo ang nakataya. Okay lang naman sa akin noong una dahil wala
naman akong girlfriend noon. But Connie and I never succeeded as man and wife." Bahagyang humina
ang boses ng ama. "She had always loved Rextor, her first boyfriend. Parati ko siyang nahuhuli na
lihim na nakikipagtagpo sa lalaking iyon. Again, I told myself it was okay as long as she was discreet
about it. The boys I lived with, they were never my sons. Anak sila ni Rextor. Walang nangyari sa amin
ni Connie. Mahirap paniwalaan pero 'yon ang totoo." Anang ama kasabay ng pagbaling kay Miranda.
Hinawakan nito ang kamay ng huli. Lahat ng pangungumpisal ng kanyang ama ay dinig na dinig rin ng
ipinakilala sa kanyang lolo at lola niya na tahimik na nakaupo lang sa kanyang tabi.
"I just couldn't touch her knowing that it was another man she will think of. Nang asikasuhin namin ni
Connie ang pag-proseso ng annulment last year, saka lang namin ipinaalam sa mga anak niya na hindi
ako ang totoo nilang ama. Alam na rin nila ang tungkol sa inyo ni Miranda. We had a reputation to
protect that's why we remained silent until the day the petition for annulment was granted. It was your
mother that I truly love, Alexis." Matipid na ngumiti si Alexander nang humarap sa kanya. "Nang
makilala ko siya, gusto ko nang itigil ang pagpapanggap at makipag-annul kay Connie. Pero nagalit si
Papa. He threatened me that he will ruin you and your mother if I do that. Tanggap niya ang magkaroon
ako ng ibang pamilya basta hindi malalaman ng publiko pero ibang usapan na ang makipagkalas kay
Connie dahil gusto niya pa akong tumakbo sa mas mataas na pwesto sa gobyerno at makakasira ang
annulment sa gusto niya. Kaya naghintay ako ng tamang pagkakataon. Na kailan lang dumating nang
mamatay si Papa kulang dalawang buwan na ang nakakaraan. You see, my father was a very cruel
and powerful businessman."
Hindi nakaimik si Alexis. Nanatili lang siyang nakamaang sa ama. Hindi siya nagkaroon ni minsan ng
pagkakataon na makilala ang kanyang lolo na si Alejandro Guevarra. Pero alam niyang naging usap-
usapan ito ng karamihan. Because the old Guevarra eats people alive. Isa itong higante kung ituring ng
ibang mga negosyante sa laki at lawak ng korporasyon na nasasakupan hindi lang sa Pilipinas kundi
maging sa Asya at Europa.
"Higit na maimpluwensya pa si Papa kaysa sa akin, lalo na sa negosyo. The political career, it was my
entire father's doing. Nagustuhan ko na lang ang pamumuno sa paglipas ng panahon. At ayaw ko nang
tigilan pagkatapos. That was how messed-up I was. Hindi ko pinagamit ang apelyido ko sa 'yo dahil
pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat para gawin 'yon. I couldn't marry your mother without ruining
my political career, without ruining you both. I couldn't tell the whole world about you and her without
sacrificing so many things. Dahil bukod sa inyo ng Mama mo, nagustuhan ko na ang paglilingkod sa
publiko. Sa bagay lang na 'yon ako hindi bano. Hindi nagkakamali. Iyon lang ang kontrolado ko kahit
paano.
"Iyong pagpapalaki ko sa 'yo, patawarin mo ako, anak. Ganoon ako pinalaki ni Papa. Kailangan kong
sabihin ang mga salitang 'yon at umasa na sana hindi ka tumulad sa akin. Dahil gusto kong mangarap
ka, gusto kong mag-iba ka ng daan na taliwas sa tinahak ko. Ayokong matulad ka sa akin. You see,
lahat ng nangyari sa buhay ko maliban sa ang mahalin ang mama mo at pagiging ama mo, hindi ko na
ginusto." Napahugot ng malalim na hininga si Alexander. "Nang nalaman kong may sakit sa puso si
Papa noong nakaraang taon, kasamaan mang maituturing pero natuwa ako. Dahil nangangahulugan
'yon na makakalaya na kami ni Mama mula sa pagdodomina niya.
"Noong nakaraang taon din habang naka-confine sa ospital si Papa ay palihim naming inasikaso ni
Connie ang annulment papers namin. It was granted the very day I called you to meet me. Nagpa-
presscon ako noon para sana aminin sa lahat ang tungkol sa inyo ng mama mo. Ang kaso ay
naaksidente ka kaya hindi mo na narinig pa. It was the least I could do sa lahat ng mga kasalanan ko
sa inyo. Connie was now busy chasing the real man she loves. And here am I... hoping I can chase
you and your mother, too."
"Sinusugod n'yo ako noon sa opisina." Sa dinami-rami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ni Alexis ay
iyon lang ang nasabi niya. Dahil hindi niya alam kung paano magre-react sa mga narinig.
"Dahil nami-miss kita, anak. You know about missing someone so badly and when you finally saw that
person, you got nervous so much that you ended up saying the wrong words instead? Iyon ang parati
kong ginagawa tuwing nakikita ka. Nakapagsasalita ako ng mga maling bagay sa maling panahon at
mali ring mga dahilan. Because I was a wrong father to start with."
"Alexis!"
Natigil sa pagbabalik-tanaw si Alexis nang marinig ang pagtawag na iyon sa kanya ng ina. Napatayo
siya nang lumapit ito sa kanya kasama ang kanyang ama na naka-plaster ang ngiting tagumpay sa
mga labi.
"Congratulations, oldies," bati niya. Sumimangot ang ina at malakas na tinampal siya sa braso na
parehong ikinatawa lang nila ng ama.
"Kung hindi oldies at kung ano-ano pang bansag ay Vice at Miranda ang itinatawag mo sa amin ng
papa mo, Alex." Bumuntong-hininga ang ina. "Kailan ka kaya namin maririnig na tawagin kaming
Mama at Papa?"
Masuyong ngumiti si Alexis. "Congratulations, Mom... Dad. Best wishes."
Nangislap sa luha ang mga mata ng kanyang ina. Hindi siya nakakilos agad nang bigla siyang yakapin
ng mga ikakasal. Sa dami ng mga nangyari ay hindi siya sanay na tawagin ang mga ito sa paraang
gusto ng mga ito. Pero nakahanda siyang matutunan iyon. Nakahanda siyang sanayin ang sarili.
Natuklasan niya rin na matagal na palang huminto sa paglalaro sa casino ang kanyang ina.
Napatunayan niya iyon nang lumuwas si Manang Renata ng Maynila nang ibalita ng kanyang ina rito
ang aksidenteng kinasangkutan niya. Bago pa man daw siya magtapos ng kolehiyo ay tumigil na ang
ina. Ang lihim na pagsubaybay ni Miranda sa kanya at ang panunuyo sa mga magulang para
mapatawad ito ang pinagkaabalahan ng ina sa nakalipas na mga taon.
Noong una, aminado si Alexis na nahirapan siyang tanggapin ang mga paliwanag ng kanyang mga
magulang. Nahirapan siyang tanggapin na takot ang humadlang sa dapat sana ay maayos na
pagsasama nila. Natakot ang kanyang mga magulang na magpakita ng pagmamahal sa kanya dahil
lang sa inaakala ng mga itong hindi karapat-dapat ang mga ito na maging magulang.
Pero kalaunan, nahirapan din siyang hindi magpatawad. Lalo at kailangan niyang gawin iyon para sa
sariling peace of mind at para sa babaeng naghihintay sa pagbabalik nang mas maayos na Alexis
Serrano Guevarra. Nang makalabas siya ng ospital ay inayos ng kanyang ama ang paglilipat ng
apelyido nito sa kanya. Dahil sa pagkakataon daw na iyon ay wala nang makakapigil rito.
Dalawang araw matapos niyang mai-discharge sa ospital ay nagbiyahe sila papuntang Japan para
magbakasyon sakay ng private jet ng ama. Ipinagkatiwala niya na muna sa mga tauhan niya ang
kanyang firm. Isang linggong nanatili sa piling nila ang ama bago bumalik ng Pilipinas para gampanan
pa rin ang mga obligasyon nito sa sariling bansa. Umani ng batikos si Alexander nang umamin ito sa
publiko tungkol sa totoong lagay ng buhay may-asawa nito. Pero may ilan ring nakatanggap sa kanila.
Ngayon ay kinikilala na siya ng lahat bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng bise-presidente ng
Pilipinas.
Sa loob lang ng ilang buwan ay napakarami ng naging pagbabago sa buhay niya... sa buhay ng
pamilya niya. Iniwan man sila ni Alexander sa Japan ay nagkaroon naman siya ng panahon na
makasama ang ina nito, si Miranda, pati na ang lolo at lola niya na nagawa na rin siyang tanggapin pati
ang kanyang ama. Walang araw noon ang lumilipas ng hindi nila nakakausap ang ama na bumawi
nang husto sa pamamagitan ng video call.
Dalawang linggo na ang nakararaan nang sunduin sila ng ama mula sa pagliliwaliw sa Japan. Sama-
sama silang bumalik sa Pilipinas. Nasa huling termino na ang kanyang ama. Kahit pa may mga
kumukumbinsi ritong tumakbo uli ay nauna na nitong in-announce sa publiko na hindi na tatakbo pa sa
pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na halalan. Tuluyan na nitong ihihinto ang
pagiging pulitiko para sa pagkakataong iyon ay mapagtuunan daw ng pansin ang pamilya nito.
Nang sa wakas ay pakawalan siya ng mga magulang ay nangingiting inilibot niya ang mga mata sa
mesa nila. Iisa na lang ang kulang sa mga nakaupo roon.
Diana...
GUMUHIT ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Diana nang makita uli ang nagliliwanag na gate ng
Saint Gabriel Academy. Ngayon na lang siya muling nakabisita doon pagkalipas ng kulang sampung
taon. Nakakalungkot lang isipin na sa gabing iyon, sa mismong reunion nila ay mag-isa lang siyang
pupunta.
Alexis... Ang daya mo.
Mahigit dalawang linggo na simula nang malaman niyang bumalik na sa bansa ang pamilya ng binata
mula sa pagbabakasyon sa Japan. Dahil kinikilala na ng publiko ang totoong pamilya ng bise-
presidente ay nabalita pa ang pangyayaring iyon sa telebisyon.
Pero hindi man lang nagtext, tumawag o nagparamdam sa kanya si Alexis. Dalawang beses niya na
itong nakita sa dyaryo na kasama ng ama sa ilang malalaking gathering. At madalas, pinalilibutan ang
binata ng hindi mabilang na naggagandahang mga babae. Buhay na buhay ang nakita niyang ngiti nito
sa dyaryo. Mukhang tuluyan nang nakabangon ang binata mula sa mga masalimuot na pinagdaanan
nito.
Pero kasabay niyon ay mukhang kinalimutan na siya nito.
Nagsikip ang dibdib ni Diana sa naisip. Kahit na naghihinanakit, araw-araw pa rin siyang naghihintay...
gaya nang ipinangako niya. Dahil iyon ang inuutos ng puso niya.
Axis, kung may iba ka na, sabihin mo naman. Ipaalam mo naman, utang na loob. Namamasa ang mga
matang naisaloob niya bago lumabas na ng kanyang kotse at tumuloy sa loob ng malawak na
gymnasium ng Academy na inayusan nang husto para sa homecoming.
Malayo pa lang ay naririnig niya na ang masiglang tugtog mula sa loob at ang nagkakasiyahang ingay
ng mga tao. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang para bang automatic na nanahimik ang mga ito
sa pagpasok niya. Lahat ng mga mata ng mga naroon ay nakatutok sa kanya. Kinabahan siya.
Ano'ng nangyari? May nagawa ba ako? Pero ano naman? Samantalang kadarating ko lang.
Pero mayamaya lang ay naglaho rin ang nadaramang pagkailang ni Diana nang magsimulang
tumugtog ang banda sa make-shift stage sa sentro ng gym. Napaawang ang bibig niya nang makilala
kung sino ang mga iyon. Si Alexis iyon... at ang banda nito. Oh, God.
"Soft as a rainbow like stardust and moonglow, I see the love in your eyes. Like autumn leaves falling
and the first call of morning, it came to my surprise. True love calls just once in a lifetime. Why should
we wait when now is the right time?"
Ngayon na nga ba ang tamang panahon, Axis? Pumatak ang mga luha ni Diana habang naririnig ang
pagkanta ni Alexis. Kay tagal niyang nangulila sa mukha nito, sa boses nito... at sa lahat-lahat
patungkol rito.
Just give me a sign, love. Hindi mo na kailangang magsalita. Ako na mismo ang lalapit at tatakbo
palapit sa 'yo.
"THE JOY of surrender, so strong yet so tender. I give my heart to you. You know you can trust me.
And that's how it must be no matter what we do. Faithful friends and lovers forever. Right to the end,
we'll always be together..."
Gaya ng dati ay para bang sandaling nalimutan ni Alexis ang lyrics ng kanta nang makita niya uli ang
nag-iisang babaeng sa nakalipas na mga buwan ay binihag ang isip niya. Sabagay, hindi pa siya
nasanay. Kailan ba hindi dumaan sa isip niya si Diana? Sa oras na pumasok ito roon, hindi na ito
umaalis pa... gaya nang mismong ginawa nito sa puso niya.
Mabuti na lang at nakapaghanda siya nang gabing iyon. Sa likod siya ng piano nakapuwesto kung
nasaan ang lyrics sheet. Muli niyang iyong pinasadahan ng tingin. Narinig niya ang pagtawa ng mga
kabanda.
"Some things never changed, huh?" Ani Roy na nasa likod ng drum set.
Napangiti na lang si Alexis kasabay ng muli niyang pag-awit habang hindi inaalis ang tingin kay Diana
na kasalukuyan nang naglalakad palapit sa make-shift stage. Ganoong-ganoon ang nangyari sa kanila
dati. Ang pagkakaiba lang ay mas matapang na siya ngayong harapin ang nararamdaman.
"When love comes sweetly to your door, embrace completely what your soul is longing for. Nothing can
stop this love we're making. Nothing can stand in our way. Nothing can block this road we've taken.
Nothing can stop us now..." Nang matapos ang inihanda niyang kanta ay tumayo na si Alexis. Agad
namang sinalo ni Earl ang gawain niya. Pumuwesto ito sa likod ng piano at itinuloy ang pagtugtog pero
mas mahina na sa mga sandaling iyon.
Hawak ang microphone ay bumaba si Alexis ng stage at naglakad palapit sa pinakamatapang na
siguro na babaeng nakilala niya sa buong buhay niya. Marahan siyang napangiti. Napakalakas ng loob
ni Diana para kaibiganin siya at mahalin ang isang tulad niya.
Huminto siya ilang hakbang ang layo kay Diana. She was shining like the first time he saw her in their
college Valentine's party. Nakasuot ito ng puting long gown na lalong nagpatingkad sa bituin nitong
taglay. At mula sa gabing iyon, hindi niya na pakakawalan pa ang bituin na iyon.
"Axis..." Basag ang boses na sinabi nito.
"Just like the lyrics of the song, Diana... Nothing can stop us now." Nag-init ang mga mata ni Alexis.
Hindi siya likas na emosyonal. Pero nang makilala niya ang dalaga, lumabas lahat ng pinakatago-
tagong emosyon sa puso niya. Pero sa pagkakataong iyon, maipagmamalaki niya na wala nang bahid
ng anumang negatibo ang mga emosyong iyon.
"Sinadya ko talagang itaon sa reunion na 'to ang muli nating pagkikita. Dahil gusto kong balikan ang
Saint Gabriel Academy nang kasama ka. Dahil napakahalaga ng lugar na ito para sa akin. Dito kita
nakilala. At dito mo binago ang buhay ko, Diana. Dito mo ako tinuruang makaramdam. Dito mo unang
pinatibok ang puso ko."
"At dito rin kita unang minahal." Nakangiting sinabi ni Diana kasabay ng pagtawid sa natitirang
distansya sa pagitan nila. Ubod nang higpit na niyakap siya nito. Agad na naipikit niya ang mga mata
sa kapayapaang pumuno sa kanyang puso.
Paano niya naisip na ipaubaya si Diana sa iba noon? Paano niya naisip na makakaya niyang sumikat
at lumubog ang araw nang iba ang kasama nito?
"I've missed you so much, Axis. Ang akala ko ay nakalimutan mo na ako."
Gumanti siya ng yakap sa dalaga. "You silly girl. Makakalimutan ko ang lahat maliban sa 'yo." Kasabay
ng bahagya niyang paglayo sa dalaga ay ang pagluhod niya sa harap nito. Inilabas niya ang singsing
na binili niya sa Japan. Bago pa man siya umalis ng Pilipinas ay sigurado na siyang wala siyang ibang
gugustuhing makita sa bawat paggising niya sa umaga at sa bawat pagtulog niya sa gabi maliban sa
best friend niya, maliban kay Diana.
"Tinupad ko 'yong gusto mo. Lumayo ako at nagpagaling para kilalanin 'yong sarili ko. Pero hindi ako
gumaling nang husto. Dahil sa bawat lugar na puntahan ko, ikaw ang nakikita ko. Kaya lalong
nagkasakit 'to." Itinuro ni Alexis ang kaliwang dibdib. "Diana, sa pagkakataong ito, sa harap ng mga
nandito, muli akong humaharap sa 'yo. Hindi bilang 'yong gago, walang pangarap, at basagulerong
Alexis Serrano. Kundi bilang Alexis Guevarra, isang arkitekto na nagmamahal sa 'yo."
"Oh, God." Naitakip ni Diana ang palad sa bibig nito.
"Hindi kita nakalimutan. At hinding-hindi kita makakalimutan dahil kailangan kita, Diana." Matapat
niyang dagdag sa kabila ng pamumuo ng nerbiyos sa kanyang puso. "Kailangan kita kung paanong
kailangan kong huminga, kung paanong kailangan kong uminom at kumain para mabuhay. Kailangan
kita kung paanong kailangan kong matulog para makapagpahinga... para mapayapa kahit sandali mula
sa buong araw na kapaguran. Kailangan kita dahil mahal kita, Diana. Mahal na mahal. Will you marry-"
"Yes."
Nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa kanila nang si Diana na ang mismong kumuha ng singsing
mula sa kanya at nagsuot niyon sa daliri nito. Agad na naglaho ang kaba niya. Natawa siya kahit pa
nagsisimula muling mamasa ang kanyang mga mata. Kahit kailan talaga ay kakaiba si Diana.
Lumuhod rin ang dalaga at ikinulong ang mukha niya sa maiinit na mga palad nito, mga palad na
mahahawakan niya na habang-buhay. "I love you so much, Axis."
Dinampian niya ng halik sa mga labi ang dalaga. Sa gabing iyon, wala na siyang mahihiling pa.
Natupad na ang lahat ng pangarap niya. "Don't let me go, Diana."
"Not again."
Wakas