Chapter 3
Chapter 3
"HOW'S revenge one-o-one coming along so far? Any luck?"
Marahas na napabuga ng hangin si Throne sa tanong na iyon ni Brylle nang tawagan siya ng pinsan.
Mabuti na lang at nag-aayos pa ang banda ni Christmas sa stage kaya malinaw pa niyang naririnig ang
pinsan sa kabilang linya. Pansamantala munang iniwan ni Byrlle sa assistant nito ang pamamalakad sa
Brylle's para magbakasyon sa England kasama ang asawa para sa kanilang first year wedding
anniversary.
Umaga pa lang ay tinawagan na siya ni Christmas. Nagpapaunawang sinabi ng dalaga na sa Brylle's
na lang sila magkita dahil walang mahanap na substitute vocalist ang banda nito kaya pagkatapos na
lang daw ng gig sila mag-date. Mabuti na lang at naibigay niya ang kanyang calling card noong gabing
inihatid niya ang dalaga.
Damn, what a demanding woman!
Heck, if only she wasn't Christmas Llaneras, there was no way he would let her call the shots. He was
always the boss and never the subordinate and yet...
Iginala ni Throne ang mga mata sa bar para kalmahin ang sarili. Naitutok niya ang kanyang mga mata
sa mga customers sa resto bar. Halos magkakapareha ang mga naroon nang mga oras na iyon.
"Oh, great. I'm surrounded by foolish hopeless romantics."
Malakas na natawa ang pinsan. "You mean you're in my bar?"
Hindi na siya nakasagot nang magsimula nang tumugtog ang banda ni Christmas. And there goes that
demanding woman on the stage, holding her guitar while sporting the most gorgeous smile he had ever
seen.
Sa liwanag na nagmumula sa spotlight ay malinaw nang nakikita ni Throne si Christmas sa kabila ng
naggagandahan ding mga kasama nito. Tanging sa dalaga lang natuon ang buo niyang atensiyon.
Nakasimpleng puting sleeveless top lang si Christmas kaya litaw na litaw ang makurbang katawan nito
na tinernuhan ng hapit na hapit na pantalon na nagpalabas ng mahahaba at mahuhubog na hita ng
dalaga.
Naibaba ni Throne ang cell phone nang hindi namamalayan. Dumiin din ang pagkakahawak niya sa
mga bulaklak na dala. Nang makita siya ni Christmas ay lalong lumawak ang pagkakangiti ng dalaga.
As he watched her sing like an angel, he realized that her name and birthday fitted her perfectly
because at that very moment, she looked every inch... an early Christmas gift.
Hell, I can't believe I just praised the woman I'm supposed to hate. Naiinis na naipilig ni Throne ang ulo.
"I CAN'T let you pass me by; I just can't let you go. Let me say the words to let you know. I would rather
say those awkward words than lose you. Afraid for love to fade before it can come true..." Pagtatapos
ni Christmas sa huling kanta nang gabing iyon.
Karaniwan ay mga requested songs ang inaawit nila pero ang huling awit ay nagmula sa kanya.
Hiniling niya iyon sa mga kabanda dahil iyon mismo ang awit ng kanyang puso para kay Throne... na
sana ay lubos na pinakinggan ng binata.
Matamis na ngumiti si Christmas nang magpalakpakan ang mga customers pagkatapos ay mabilis na
nagpaalam sa mga kasamahan. Parang may pakpak ang mga paang bumaba siya sa stage. Naglaho
lang ang kanyang ngiti nang agad siyang sundan ni Rodrigo.
"What's up with the minion?" salubong ang mga kilay na bungad ni Throne pagkaupo niya sa silyang
katapat ng binata na siyang ipina-reserve niya para sa kanila. Balewala namang nakatayo pa rin si
Rodrigo ilang dangkal ang layo sa kanya.
Napabuntong-hininga si Christmas. Inilahad niya sa binata ang napag-usapan nila ng kanyang kapatid.
"Sabagay, it's a wild world out here," napatango pang sinabi ni Throne mayamaya. "Kung sa kapatid ko
rin siguro nangyari ang nangyari sa 'yo, baka mas matindi pa ang gawin ko."
Kumunot ang noo ni Christmas sa bahagyang pagdiin ng boses ni Throne. And for a while, she thought
she saw rage flit across his gray eyes but it happened too fast that she even doubted what she saw.
Naipilig niya ang ulo sa pagbabaka-sakaling nadala lang ang binata ng emosyon. "There's nothing I
wouldn't do for Cassandra," dagdag pa nito.
Humahangang napatitig siya sa binata. Mababakas sa mukha nito ang malaking pagpapahalaga para
sa kapatid. High school pa lang ay ni-research niya na ang buhay ni Throne kaya kilala niya ang
tinutukoy nitong "Cassandra" kahit sa litrato pa lang ito nakikita. Katulad ng kanyang kapatid, mailap
din ang dalaga sa pagbibigay ng personal na impormasyon tungkol sa sarili. Nalaman din niya ang
nangyaring paghihiwalay ng mga magulang ni Throne pati na ang pagiging ramp model ng kapatid nito
na ang edad ay hindi nalalayo sa kanya.
Updated pa rin si Christmas sa buhay ni Throne kaya naman hindi nakatakas sa kanya ang balitang isa
ang binata sa mga itinuturing na most eligible bachelor in town sa isang women's magazine. Naroon
din sa listahan ang Kuya Jethro niya pero mas may alam pa rin siya sa nangyayari kay Throne kaysa
sa kapatid. Pumapayag kasi kahit paano sa mga interview ang binata. Kung minsan ay uma-attend rin
ito sa social gatherings hindi tulad ng kanyang kapatid na mailap masyado sa mga tao. Ni hindi nga
malalaman ni Christmas na nagkaroon ng girlfriend ang kanyang kuya kung hindi pa ito nagbakasyon
sa Spain at sinabing gusto daw kalimutan ang naging girlfriend.
"Hmm... let's see."
Natigil si Christmas sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang para bang nagbibirong boses na iyon ni
Throne.
"First, I'm going on a date with you and your minion. So, that means I'd have to be careful of my actions
because everything I do or say can be used against me. Second..." bahagyang inilapit ng binata ang
guwapong mukha nito sa kanya dahilan para sandali siyang matuliro. Langhap na langhap niya ang
mabangong hininga ni Throne pati na ang suwabeng cologne nito. "You're drifting away, Barbie. Hindi
mo na 'ko pinapansin at nakakasama 'yon ng loob." Pumalatak ito. "I hate to admit this but it seems like
my charm's not as effective as before anymore."
Kung nakikita mo lang ang nakikita ko, ewan ko na lang kung pumasok pa sa isip mong nalalaos na
ang charm mo, Christmas thought as she smiled and shook her head.
Nakasimpleng brown T-shirt lang si Throne na pinaibabawan ng itim na jacket at tinernuhan ng
pantalong maong habang ang tuwid na tuwid na hanggang balikat na buhok nito ay nakalugay. Simple
kung tutuusin ang porma ni Throne pero hindi maitatangging elegante iyon dahilan kung bakit angat pa
rin ito sa ilang kalalakihang naroon. Kaya hindi rin niya masisisi ang mga babaeng lantaran kung
pagpiyestahan si Throne ng tingin nang mga sandaling iyon. He looked exactly like the man of her
dreams.
Kung alam lang ni Throne kung gaano niya katagal na inasam ang pagkakataong makasama ito. She
had dreamed about their date for years now but she never dreamed it would turn out that way. Nang
mapasulyap siya kay Rodrigo na matamang nakatitig sa kanila nang mga sandaling iyon ay may
ideyang pumasok sa kanyang isip.
Mabilis na kinuha ni Christmas ang cell phone at nag-type. Mayamaya lang ay nilapitan na si Rodrigo
ni Kylie, ang pinsan at siyang pianist nila sa banda. Napapakamot sa batok na lumapit ang guwardiya
sa kanya.
"Ma'am, paano po ba ito? Nagpapahatid po si Ma'am Kylie. Masama daw po ang pakiramdam niya-"
"It's okay, Rodrigo." Ikinumpas pa ni Christmas ang mga kamay. "Ihatid mo na siya. Hindi naman ako
aalis. Hihintayin na lang kita dito."
Bumakas ang pagtutol sa mukha ni Rodrigo. "Pero, Ma'am, ang bilin po ni Sir Jethro ay-"
"I know that Kuya Jet asked you to take care of me. Pero pinsan ko si Kylie kaya parang boss mo na
rin siya. Therefore, you would have to take care of her, too."
Napabuntong-hininga si Rodrigo. "Yes, Ma'am. Pakihintay na lang po ako rito. Babalik din po ako All content is © N0velDrama.Org.
kaagad," anito at inalalayan na si Kylie.
Kylie mouthed the words "Have fun" when Rodrigo turned away. Nangingiting tumango si Christmas
bago humarap sa tila aliw na aliw na si Throne.
"How did you do that?"
"Kylie's my cousin. Umutang siya sa 'kin last week ng pampagawa ng naibanggang kotse niya. I told
her na hindi na ko na siya sisingilin kapag nagpahatid siya kay Rodrigo." Kinindatan niya ang binata
"Ayoko naman kasing isipin mong tini-take for granted ko ang utang ko sa 'yo." Tumayo na siya. "Tara
na. Takasan na natin si Rodrigo. Aja!"
Malakas na natawa si Throne dahilan para mapalingon sa kanila ang mga taong di-kalayuan sa mesa
nila. "Christmas Llaneras, you're on the verge of impressing me."
"TUKSO, layuan mo ako."
Kumunot ang noo ni Throne sa narinig na sinabi ni Christmas. Saglit niyang nilingon ang dalaga sa
gitna ng kanyang pagmamaneho. Nakakagat-labi ito habang hinahabol ng tingin ang nagtitinda ng
street foods sa park na nadaanan nila. Mayamaya ay narinig niya ang malakas na pagkalam ng
sikmura ng dalaga.
Namumula ang mga pisnging humarap sa kanya si Christmas kasabay ng pag-peace sign. "Pasensiya
na, nagugutom na kasi talaga ako. Bukod sa na-miss ko talagang kumain ng fish ball." Amused na
iminaniobra ni Throne ang kotse pabalik. "Throne, hindi mo naman kailangang-"
"It's all right. Hindi pa naman ako nakakatikim ng fish ball. 'Might as well try some." Napangiti si Throne
nang marinig ang malakas na pag-"yes" ni Christmas. Napakanatural talaga nito, ibang-iba sa mga
babaeng nagdaan sa buhay niya.
Nang pumarada sila malapit sa tindero ay nagmamadaling bumaba si Christmas. Maagap siyang
sumunod pagkatapos ay napatingin sa paligid. Hindi niya inaasahang cowboy pala ang dalaga dahil
wala iyon sa itsura nito. Mistulang bata nang mga sandaling iyon si Christmas. He never thought that
bringing her there would already make her happy.
Napapailing na lumapit siya sa dalagang abala sa pagtusok ng mga pagkain.
"Mukha ngang na-miss mo talaga ang mga ganito-" Hindi pa man natatapos magsalita ay mabilis na
siyang sinubuan ng dalaga ng fish ball. Habang wala sa loob na nginunguya iyon ay hindi naiwasan ni
Throne na pagmasdan ang magandang mukha ni Christmas na nakangiti namang nakatingin sa kanya.
"Ano? Masarap, 'di ba? Bagay 'yan sa kahit na anong sauce. Matamis 'yang sa 'yo kaya ganyan ang
lasa. Maanghang naman 'tong sa 'kin. Subukan mo rin. Masarap din-"
Bago pa ito matapos sa sasabihin ay hinapit na niya si Christmas sa baywang at hinagkan sa mga labi.
He closed his eyes and savored the remaining hot sauce on her lips, the one that she had been
bragging about. Alam niyang hindi talaga maiiwasan ang paghalik sa dalaga dahil kasama iyon sa
kanyang plano. Pero hindi niya akalaing hindi rin maiiwasan ang pagragasa ng kung anong
mahiwagang damdamin na bumabalot ngayon sa buong sistema niya. And when he felt her soft lips
reluctantly move against his, he almost lost his mind that he had to stop.
Nang pakawalan niya si Christmas at makita ang natulalang mukha nito ay gustong matuwa ni Throne
dahil ang ibig sabihin ay tumatalab ang kanyang plano. Pero paano siya matutuwa kung mukha ring
may epekto iyon sa kanya?
Marahas siyang napailing kasabay ng pilit na pagngiti. Hinaplos niya ang mga labi ni Christmas. "Tama
ka, masarap nga. Bukod sa matamis at maanghang, may ibang sauce pa ba? Subukan natin, baka
masarap din."