Chapter 10
Chapter 10
SUMABAY sa malakas na pagbuhos ng ulan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ni Christmas
habang hinihintay ang pagdating ni Throne sa labas ng kanyang kotse. Kausap pa rin niya sa kabilang
linya ang binata.
"Pipilitin ko nang magsalita ngayon kasi hindi ako sigurado kung magagawa ko pang magsalita kapag
kaharap na kita," tila amused na natawa si Throne. "Because when I'm in front of you, all I want to do is
just kiss you."
Napasigok siya. Hearing him say all those things for the first time made her so glad that she took the
risk. Humigpit ang pagkakahawak niya sa payong nang umihip ang malakas na hangin.
"Ma'am, ako na lang po ang maghihintay sa kanya. Pumasok na po muna kayo sa kotse-"
Sandali niyang inilayo ang cell phone sa kanyang tainga. "I can't." Napailing pa siya nang tumingin kay
Rodrigo. "Walang dalang payong si Throne. Gusto kong salubungin siya kaagad kasi siguradong
magpapaulan 'yon." Akmang magsasalita pa si Rodrigo nang makarinig sila ng sunod-sunod na
pagbusina ng isang paparating na sasakyan. Pumarada iyon malapit sa kanila.
Sandaling nasilaw si Christmas sa headlights ng sasakyan bago unti-unting sumilay ang matamis na
ngiti sa kanyang mga labi nang makita kung sino ang nasa likod ng manibela. Muli niyang ibinalik ang
cell phone sa kanyang tainga nang makitang nagsasalita ang binata.
"Alam mo bang simula nang makilala kita, naging gahaman na ako sa bawat pagngiti mo? Because
your every smile, your every happy reaction, has this silly ability to define my day." His words were
like... a warm embrace to her.
"I love you, Throne," sa halip ay sagot niya. "Hindi ako nakipag-date sa iba. Sa 'yo lang."
ILANG segundong nanatiling nakatitig lang si Throne sa nakatayong pigura ni Christmas paharap sa
kanyang kotse. Sa pinaghalong liwanag na nagmumula sa poste at sa headlights ng kanyang
sasakyan ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagtulo ng luha ng dalaga kasabay ng pagtatapat nito ng
pagmamahal sa kanya.
Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakarinig si Throne ng ganoon. He had heard those words many
times before from the women he had dated, hoping against hope that they would be able to somehow
ease the emptiness he had been hiding all along. But those words never sounded real until... they
came from Christmas.
Nanatiling nakasunod ang mga mata niya kay Christmas habang marahan itong naglalakad palapit sa
kanyang kotse. Malayang pinaglalaruan ng hangin ang alon-along buhok nito pati na ang dilaw na
bestida nitong hanggang tuhod lang ang haba. Sa gitna ng dilim ay mistulang bituin na nagniningning
si Christmas tulad ng mga mata nito nang mga sandaling iyon. Seeing her like that made the last of his
defenses crumble. Mabilis na bumaba siya ng kotse. Maagap naman si Christmas sa pagsalubong sa
kanya kasabay ng pagpapayong nito sa kanya.
"Throne..."
"Sshh." Parang may sariling isip na umangat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ang mga labi
ng dalaga, mga labing ilang gabi ring nagpahirap sa kanya sa kaiisip sa mga pinagsaluhan nilang halik.
"'Sabi ko, ako ang magko-confess, 'di ba?"
"Magko-confess? Ibig sabihin... mahal mo rin ako?"
Naaaliw na napangiti si Throne. Standing there, looking the best that she could, how could he still deny
it? Inilapit niya ang sarili kay Christmas at bumulong sa tainga nito. "Fine," namamaos ang boses na
sinabi niya nang malanghap ang mabining pabango ng dalaga. Kasabay niyon ay narinig niya ang
malakas na pagsinghap nito. "Let me tell you something really awkward... I've fallen in love with you,
too." Lumawak ang pagkakangiti niya nang tangkang magsasalita pa si Christmas. Kahit kailan ay
napakakulit talaga nito. Mabilis na hinapit niya ang dalaga sa baywang at hinalikan sa mga labi.
I told you, all I want to do is kiss you.
Sa gitna ng malakas na ulan at hangin ay nakapagtatakang hindi man lang nakaramdam si Throne ng
panlalamig. Her kisses gave him shelter. Tama si Brylle. Sa pamamagitan ni Christmas ay may
matutuluyan na siya.
Ipinaikot nito ang mga braso sa kanyang batok dahilan para mabitiwan ni Christmas ang payong nila.
Napamulat si Throne at sandaling pinakawalan ang dalaga, pagkatapos ay napasulyap sa kalangitan
at sinalubong ang bawat patak ng ulan. Ngayon niya na-realize na gusto na rin pala niya ang ulan. Muli
siyang tumingin sa kauna-unahang babaeng bumulabog sa kanyang puso. Masuyo niyang hinawakan
ang malalambot na palad nito.
"You have my world in your hand and my heart in the other. Kaya ingatan mo sana ang mga bagong
pagmamay-ari mo kasabay ng pag-iingat mo... sa mga kamay na ito."
"GUSTO ko sanang magsimba na kasama ka," nagpaparinig na sinabi ni Christmas nang makita ang
madaraanan nila ni Throne na simbahan. Nilingon niya ang binata na kasalukuyan pa ring tutok na
tutok sa pagmamaneho. Nang hindi ito kumibo ay pinagsalikop niya ang kanilang mga palad. "Alam mo
bang simula nang maging tayo, 'yon ang unang-una kong gustong gawin natin?"
Sinulyapan siya ni Throne. "Sa susunod na lang. There's this Japanese restaurant nearby that we
could try-"
"Pero masyado pa namang maaga para kumain." Sumandal si Christmas sa balikat ni Throne at
sandaling ipinikit ang mga mata. Nang maramdaman niya ang mainit na palad nito na humawak sa
kamay niya ay napangiti na siya. Para bang biglang tinangay ng simpleng ginawang iyon ng binata ang
lahat ng pagod at antok na naramdaman niya dala ng maghapong pag-aasikaso sa kanyang
restaurant. Sa susunod na linggo na ang opening niyon kaya naman madalas na siyang abala kasama
ng kanyang mga empleyado.
"Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang magpakapagod nang husto. Hindi ka nakikinig."
Nangingiting iminulat ni Christmas nag mga mata at tinitigan ang guwapong mukha ni Throne. Maliban
sa hindi maikakailang paglalambing ng binata, na bigla na lang lumalabas nang hindi nito
namamalayan ay wala namang gaanong nagbago kay Throne mula nang gabing nagkaunawaan sila.
Kahit na nanenermon ay hindi nito naitago ang pag-aalala.
Lahat ng gustuhin ni Throne ay ginagawa nito kaagad sa kanya. May mga pagkakataong bigla na lang
siyang hahapitin ng binata sa kanyang baywang at sisiilin ng halik sa mga labi. Ginagawa iyon ni
Throne kahit saan at kahit kailan nito gusto. Pero sino ba siya para magreklamo kung ganoong halos
kahalati ng kanyang buhay ay hinintay niyang mangyari iyon?
"I love you, Throne," wala sa loob na bulong ni Christmas. Ilang sandaling natigilan ang binata bago
niya narinig ang marahas na paghinga nito, pagkatapos ay lalo pang binilisan ni Throne ang
pagmamaneho. Mayamaya ay nagulat na lang siya nang bigla nitong ihinto ang sasakyan.
"Throne-"
Inalis nito ang sariling seat belt saka inilapit ang sarili sa kanya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa
batok nang ilapit ng binata ang bibig sa kanyang tainga. "You really have a way of getting what you
want. Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa kung advantage o disadvantage ang bagay na 'yon."
Damang-dama niya ang mainit na hininga ni Throne sa kanyang balat. Lalo na nang masuyong idinikit
nito ang noo nito sa kanyang noo.
"I love you, too. Tara na?" mayamaya ay tila walang nagawang sinabi ni Throne.
Nanlaki ang mga mata ni Christmas. Saka lang niya napansing naalis na ng binata ang kanyang seat
belt. Namangha siya nang malamang nasa tapat na sila ng simbahan nang sumilip siya sa bintana.
"Gusto mo na ring magsimba?"
Nagkibit-balikat si Throne. "Gusto mo, eh. May magagawa pa ba 'ko?"
Muli siyang napangiti. "Thank you, Throne."
Lalabas na sana siya ng kotse nang maagap siyang pigilan ni Throne sa braso, nakakunot ang noo
nito. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo na sa panahon ngayon, wala nang libre? Hindi
lahat, nadadaan sa simpleng salamat. Lalo na sa 'kin."
Bago pa man makapagsalita si Christmas ay nasa batok na niya ang isang kamay ni Throne at sakop
na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. Maingat iyon at masuyo na para bang gusto lang
maglambing sa kanya. Nangingiting nagpaubaya siya. Ilang segundo rin ang inabot ng halik bago siya
pinakawalan ng binata.
Ngumiti si Throne at pabirong pinisil ang kanyang ilong. "When it comes to me, a kiss will do."
"NO, THANKS," mabilis na napailing si Throne nang abutan siya ni Christmas ng puting kandila na
binili nito sa labas ng simbahan. "I don't really pray."
Saglit na natahimik si Christmas. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito. "Alam mo bang matagal na
'kong nagtitimping hanapin at sumbatan ang mga magulang mo? Dahil kasi sa kanila kaya ang dami
mong hindi pinaniniwalaan sa mundo." Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. "Pero nakaraan na ang
lahat ng 'yon. I can't do anything about your past though I wish I can. Pero palayain mo na ang sarili
mo, Throne. The darkness is over."
He was jolted by her words. Nang salubungin ni Christmas ang kanyang mga mata ay napakalinaw ng
pag-asang nasasalamin niya mula roon. Napalunok siya. Ngumiti naman si Christmas at muling iniabot
sa kanya ang kandila.
"Ang sabi nila, ang pagmamahal daw, nagpapalaya. Kung totoo man 'yon, gamitin mo ako at ang
pagmamahal ko... para makalaya ka na."
Napasulyap si Throne sa loob ng simbahan. Ilang beses na rin siyang humiling at nanalangin. Una ay
huwag na sanang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Pangalawa ay ang balikan silang
magkapatid ng mga ito. Ang iba ay hindi na niya matandaan pa. Pero wala ni isa sa mga iyon ang
natupad. That was why for years, all he knew were pain, bitterness and hatred. But standing right in
front of him was the woman who was willing to give him her all, someone who was willing to introduce
him to hope for the very first time in his life...
Muling napatingin si Throne sa nakalahad pa ring palad ni Christmas bago niya iniangat ang sariling
kamay at inabot ang kandila. Gusto niyang paniwalaang ayaw lang niyang madismaya si Christmas
kaya niya ginawa iyon pero sa sulok na bahagi ng kanyang puso ay may nagtutulak sa kanyang muling
maniwala... na baka sa pagkakataong iyon ay pakinggan na siya at ang mga dasal niya.
Nangislap ang mga mata ni Christmas. "Salamat," sabi nito saka siya hinila papunta sa pinagtitirikan
ng mga kandila. Sinindihan ng dalaga ang mga hawak nila bago pumikit at nagdasal. NôvelDrama.Org exclusive content.
Ilang segundong napatitig si Throne sa magandang mukha ng girlfriend bago niya namalayang
nagtitirik na rin pala siya ng kandila. Deretso siyang tumingin sa altar pagkatapos ay ipinikit niya ang
mga mata bago pa tuluyang magbago ang kanyang isip.
I've forgotten how to pray... so forgive me if I'd go straight to the point. Thank You for the woman beside
me. Nakakapagod na rin ang magalit. Kaya tulungan N'yo akong lumaya... kami ng kapatid ko para sa
babaeng katabi ko. Salamat.
Ganoon na lang ang gulat ni Throne nang salubungin siya ng yakap ni Christmas pagdilat niya.
Magaan iyon na para bang kinakalma siya. "Ang sabi ni Lola noong nag-aaral pa 'ko, okay lang naman
daw ang ma-in love sa mga bad boy ang dating. Dahil nasa lahi rin daw namin ang mga gano'n,"
tumawa ang dalaga. "She said that a bad boy who enters the church with a girl is a sign... that he can
be redeemed."
Natigilan si Throne. Can he really be... redeemed?